April 20, 2024

CHRIS PAUL, BUMIDA SA PAGTUPOK NG SUNS SA CLIPPERS, WARRIORS, NILURAY NG PELICANS

Bumida si Chris Paul sa pagtala ng triple-double sa pagtupok ng Phoenix Suns sa Los Angeles Clippers, 106-89. Kaya naman, muling tumuntong sa top seed sa West ang Suns.


Nagtala si Paul ng 14 points, 13 rebounds at 10 assists. Umalalay naman si C. Johnson ng 24 points. Kumana naman si J. Smith ng 19 points at 14 points naman ang inambag ni C. Pail.


Sa panig naman ng Clippers, bumandera si Marcus Morris sa pagbira ng 26 points, 8 boards at 3 assists.
Habang si Reggie Jackson ay nagpalawal ng 16 points. Si Eric Bledsoe naman ay kumana ng 10 points.


Kuminang naman si Brandon Ingram sa panalo ng New Orleans Pelicans sa Golden State Warriors, 101-96. Nagtala si Ingram ng 32 points, 11 boards at 6 assists. Nag-ambag naman si Josh Hart ng 14 points, 6 rebounds at 2 assists.


Sa Warriors naman, bumira si Andrew Wiggins ng 21 Points, 4 boards at 2 stl. Habang tumipa naman si J. Kuminga ng 13 points, 6 boards at 1 block.