April 19, 2024

CBDRP inilunsad sa Navotas

PINANGUNAHAN ni Mayor John Rey Tiangco ang paglulunsad ng Community-based Drug Rehabilitation Program (CBDRP) sa Brgy. NBBS Dagat-dagatan at NBBS Kaunlaran sa ilalim ng Navotas Anti-Drug Abuse Council (NADAC) at ng Katatagan, Kalusugan, at Damayan ng Komunidad – Simula ng Pagbabago (KKDK-SIPAG). Ang mga drug surrenderees na kalahok sa programa ay sasailalim sa serye ng counseling sessions at lectures sa loob ng anim na buwan. Magkakaroon din ng mandatory drug testing upang masiguro na sumusunod sila sa alituntunin ng programa.