April 19, 2024

CAVALIERS, TINIGPAS ANG THUNDER, HEAT, INILADO NG 76ERS

Nakaalpas ang Cleveland Cavaliers sa 18-point deficit at nagawa pang tigpasin ang Oklahoma City Thunder, 107-102. Bumida si Darius Garland sa panalo sa pagbuslo ng 27 points, 18 assists at 5 boards.


Nanguna naman si Shai Gilgeous-Alexander sa Thunder pagtala ng 21 points at 7 assists.


Samantala, inilado naman ng Philadelphia 76ers ang Miami Heat, 109-88. Nanguna si Joel Embiid sa Sixers sa pagbira ng 32 points at 12 rebounds. Nag-ambag naman si Tobias Harris ng 22 points. Si Seth Curry naman ay lumagare ng 21 points at 5 rebounds.


Nagprodyus naman sa Heat sa Tyler Herro ng 16 points at 3 assists. Habang 8 points t 9 assists naman ang ginawa ni Jimmy Butler.