April 25, 2024

CASIMERO, GUSTONG IGANTI SI DONAIRE SA PAGKATALO NITO KAY INOUE

Umeksena si Pinoy pug JohnRiel Casimero matapos talunin ni Naoya Inoue si Nonito Donaire sa kanilang rematch. Ani ng binasansagang ‘Quadro Alas’, igaganti niya ang kababayang boxer.

Tinalo ng Japanese boxing star si Donaire via 2nd Round TKO. Matapos ang rematch, nagpahayag si Casimero tungkol dito. Masidhi ang paghahangad nito na makalaban ang WBA, IBF at WBC bantamweight champion.

Ok lang yan bro Nonito Donaire Jr. Congrats sayo Naoya Inoue. Ako na talaga ang alas,” post ni Casimero sa Facebook page nito.

Bawi tayo’, dagdag nito. Gayunman, hindi interesado ang kampo ni Inoue na labanan si Quadro Alas. Nakatakda sana silang maglaban noong April 2020. Kaso, hindi natuloy dahil sa COVID-19 pandemic.

Si Casimero ang WBC champion sa nakalipas na buwan. Subalit, inalis sa kanya ang title belt at napunta kay Paul Butler ng UK.