April 25, 2024

CARMELO ANTHONY, NANGUNA SA PAGBOMBA NG LAKERS SA ROCKETS

Bumida si Carmelo Anthony sa pagbomba ng Los Angeles Lakers sa Houston Rockets, 95-85. Nagtala ang 18-year veteran ng 23 points, 4 blocks at 3 boards. Umalalay naman si Russell ng 20 points, 9 assists at 8 boards.


Habang si Anthony Davis ay nag-ambag ng 16 points, 13 boards at 2 assists. Si LeBron James naman ay bumira ng 15 points, 8 assists, 7 boards at 4 stl.


Sa panig naman ng Rockets, gumawa si Eric Gordon ng 17 points, 2 boards at 2 assists. Maganda ang naging simula ng opensa ng Lakers.


Kung saan, nilamangan nila ng 24 points ang Rockets sa first half. Mula rito, hindi na sila nagpatinag kahit na nakahabol pa ang huli sa last quarter.