April 20, 2024

CARMELO ANTHONY, BUMIDA SA PAGLUNOD NG LAKERS SA GRIZZLIES

Bumida si Carmelo Anthony sa pagbuslo ng 28 points off the bench sa paglunod ng Los Angeles Lakers sa Memphis Grizzlies, 121-118. Bumira rin siya ng 2 blocks habang si Anthony Davis ay gumawa ng 22 points, 8 rebs at 4 blks.

Nakapagtala rin si Carmelo ng milestone sa NBA sa pagbarag sa record ni Moses Malone. Nakatipon siya ng 27,411 career points at pangsiyam na sa all-time leading scorer sa liga.


Nag-ambag naman si LeBron James ng 19 points, 6 boards, 6 assists at 2 blks. Habang si Russell Westbrook naman ay kumana ng 13 points, 13 assists, 7 boards at 4 steals.
Sa panig naman ng Memphis, tumikada si Jah Morant ng 40 points, 10 assists at 2 steals. Ito ang unang panalo ng Lakers sa loob ng 3 laro sa kaagahan ng season.


Sa iba pang laro ngayong araw, kinaldag ng Orlando Magic ang New York Knicks, 110-104. Pinalo naman ng Boston Celtics ang Houston Rockets, 107-97. Pinitik naman ng Philadelphia 76ers ang Oklahoma City Thunder, 115-103.