April 19, 2024

CARLA ABELLANA AT TOM RODRIGUEZ, NAG PRE NUP SA BATANGAS

Labis ang kasiyahan nina Carla Abellana at Tom Rodriguez sa kanilang prenup shoot sa Batangas. Nakatakda na kasing mag-isang dibdib ang celebrity couple. Kaya naman, pinaghahandaan na nila ito.


May ilang pictures silang ipinost sa social media na kinunan ni potog na si Pat Dy. Gayundin ang ilang members ng team. Ayon sa photographer na si Nelwin Uy, ang mga litrato na na post sa Instagram ay kuha sa San Juan, Batangas.


Ang elegante ng dating ni Carla sa suot niyang long-sleeved lace dress. Na tenernuhan ng gloves at ng sun hat na may ribbon.Si Tom naman ay nakasuot ng beige suit.


“It’s always about finding that sweet spot (photography-wise) that’s appropriate for my couples,” aniya.

“This time, a much lighter mood with Tom and Carla for their engagement shoot,” aniya.