April 20, 2024

BULKANG BULUSAN, SUMABOG (Alert Level 1 itinaas ng Philvolcs)

Nag-aalburuto ang Bulkang Bulusan sa Sorsogon.

Ayon sa ulat ng Phivolcs, nagbuga ng abo ang bulkan kung kaya agad na itinaas ang Alert Level 1.

“This is to notify the public and concerned authorities of an ongoing phreatic eruption at Bulusan Volcano,” pahayag ng Phivolcs.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang phreatic eruption bandang 10:37 ng umaga at tumagal ng 17 minuto.

Apektado ng abo ang bahagi ng Juban, Casiguran at Irosin.