April 20, 2024

BOXING GYM NG CUT MAN NI HEAVYWEIGHT BOXER TYSON FURY, NILOOBAN

Nilooban ng mga kawatan ang boxing gym ni Jorge Capetillo, cut man ni heavyweight boxing champ Tyson Fury. Nangyari ang nasabing insidente nang isara ni Capetillo, (isa ring boxing coach), ang gym nito sa Las Vegas dahil sa COVID-19.

Sumailalim sa quarantine si Capetillo dahil sa may nakasalamuha itong nagpositibo sa Coronavirus. Gayun na lamang ang kanyang panlulumo nang malamang nilooban ang kanyang gym at grabe ang kalat na iniwan ng mga kawatan.

Bukod sa kanyang gym, pinamamahalaan din ng boxing coach ang gym ng Top Rank. Kamakailan lamang ay sumailalim sa kanyang training si former heavyweight champion Andy Ruiz Jr.

Naging sikat si Capetillo buhat nang gabayan nito si Fury sa laban nito kay Otto Wallin— na bagama’t duguan dahil sa cut sa mata, nakatagal pa si Fury hanggang 12 rounds. Noong magkaroon ng lockdown, pinadadalhan ng pera ni Fury si Capetillo buhat nang isara nito ang kanyang gym, na pinagmumulan ng income o kita nito.

When he knew we were locked down because of COVID-19 and my gym was closed, he texted me and said: ‘Is there anything I can do to help?’ pahayag ni Capetillo sa Sky Sports:

“He is still taking care of me. He sent me money.”

I was supposed to be with Jessie Vargas in New York on March 14 but the fight was cancelled and I came home with empty pockets. I was scared, I didn’t know what to do.”

He knew Jessie’s fight was cancelled. He asked about my family and what he could do.” 

He said: ‘I’ll sort out some money for your family so you can be good’. Such generosity for me and my family.”

He is a great man, so humble. He had the time to ask how I was doing with my family during this crisis,” dagdag pa ng magaling na cut man ni Fury.