April 20, 2024

BOSTON CELTICS, WINALIS ANG BROOKLYN NETS SA 1ST ROUND, 4-0

Winalis na ng Boston Celtics ang Brooklyn Nets sa Game 4 ng NBA playoffs East Round 1, 4-0 sa series. Sinipa ng Celtics ang Nets sa iskor na 116-112. Kaya naman, umabante na sa semis ang Boston at maghihintay na lang sa mananalo sa Bucks at Bulls.

Bumira sa panalo ng team si Jayson Tatum ng 29 points, 5 assists at 3 boards. Nag-ambag naman si Jaylen Brown ng 22 points at 8 rebounds. Habang si Marcus Smart naman ay lumagare ng 20 points at 11 assists.

Sa panig naman ng Nets, kumana si Kevin Durant ng 39 points, 7 boards at 9 assists. Habang si Seth Curry ay bumistay ng 23 points. Nagtala naman si Kyrie Irving ng 20 points at 5 assists.

Rumatsada agad sa opensa ang Celtic sa 1st half at nadala hanggang 2nd half. Pinakamalaki at inaalagaan nilang lamang ang 10 points. Nakadikit ang Nets sa 4th quarter, 102-99 mula sa buwenas na opensa ni Joran Dragic.

Nagawa pa ng Brooklyn na makadikit bago ang last 2 minutes, 108-109. Ngunit, hindi nila napigilan ang magandang opensa ng Celtics.