April 18, 2024

‘BOSTON CELTICS, TATAMBAKAN DIN ANG WARRIORS SA GAME 3’— NBA ANALYST

Babawi umano ang Boston Celtics sa Game 3 ng 2022 NBA Finals ayon sa ilang analyst. Kung naitala ng Warriors ang blow-out win noong Game 2, 107-88, gagawin din ito ng Boston.

Lima sa anim na analyst ng CBS Sports NBA experts ang nagsabing mananalo ang Celtics sa Game 3.Ayon kay Brad  Botkins, mas lamang pa rin ang Celtics sa series.

I’m going to keep picking the Celtics because I believe they are the better team, if ever-so slightly,” aniya.

Para naman kay James Hebert, mag-a-adjust aniya ang home team. Itatama nito ang mga mali sa Game 2. Lalo na ang malamyang depensa at opensa. Bet din nina Bill Reiter,Sam Quinn at Jasmin Wimbish ang Boston. Samantalang si Michael-Kasley Blomain lang ang pumanig sa Golden State.

Malamang na tambakan din umano ng green-in-uniform ang Dub City.