April 20, 2024

BOSTON CELTICS, NILAGARE ANG MIAMI HEAT SA GAME 5

Abot-kamay na ng Boston Celtics ang pagpalaot sa 2022 NBA Finals. Ito’y matapos itala ng panalo sa pivotal Game 5 sa Eastern Conference Finals. Nilagare ng Celtics ang Miami Heat sa iskor na 93-80. Kaya naman, lamang na sa series ang Boston, 3-2.

Nanguna sa panalo ng team si Jaylen Brown na nagtala ng 25 points at 4 boards. Nagdagdag naman si Jayson Tatum ng double-double. Bumira ito ng 22 points, 12 boards at 9 assists.

Sa panig naman ng Heat, bumira si Bam Adebayo ng 18 points at 10 boards. Habang si Jimmy Butler ay nag-ambag ng 13 points, 6 boards at 4 assists.

 “We’ve got to be ready for the next one,” ani Brown .Napaigi pa ng Boston ang 6-2 record sa road games ngayong playoffs. Isa panalo na lang at pasok na sila sa NBA Finals.

Huling sumampa ang team sa finals noong 2010. Kung saan, natalo sila sa Los Angeles Lakers. Huli naman silang nagkampeon noong 2008 kontra rin sa Lakers.