April 25, 2024

Boston Celtics, kukukunin sina Beal at Porzingis ayon sa source

Interesado umano ang Boston Celtics na kunin ang serbisyo nina Bradley Beal at Kristaps Porzingis ayon sa ulat.

Napauna nang gustong hatakin ng Celtics si Minnesota Timberwolves big man Karl Anthony Towns.

Ang ideya ng Boston ang nagpapa-excite ngayon sa trade rumors bago ang deadline sa Marso. Kung gusto aniya ng Celtics na umalagwa sa Eastern Conference, kailangan nila ng big move ayon kay Lee Tran.

Kung matutuloy, magkakaroon ng ‘Big 5” ang Boston. Pandagdag ang tatlo sa young talents. Ito ay sina Jason Tatum at Jaylen Brown.

Malaking puntos umano ito para pumalaot sa NBA finals ang Boston. Na inaalat na rin sapol pa noong 2010.

May ulat din na interesado raw ang Washington Wizards sa serbisyo ni Porzingis. Gayundin ang Charlotte Hornets.