March 29, 2024

BOSTON CELTICS, KAILANGANG MANALO SA GAME 6, KUNG HINDI, TAPOS NA ANG LABAN

Nasa balag ng alanganin ang Boston Celtics sa 2022 NBA Finals. Nag-iba na kasi ang ihip ng hangin. Ang Golden State warriors na ngayon ang may hawak ng momentum. Kaya, ito ang mas malaki ang tsansang magkampeon.

Sinayang ng Celtics ang pagkakataong manalo sa Game 4 at 5.Lalo na ang laro na ang Game 4. Kung nanalo sila run, lamang pa rin sila sa series na 3-2. May pagkakataon na rin silang tapusin ang laban sa Game 6 kahit nanalo pa ang Warriors sa Game 5.

Sa siste naman ng Warriors, gumana na ang championship DNA ng team. Noong 2015 NBA finals, naunahan sila ng Cleveland Cavaliers sa 2-1 sa series. Pero, nakabalikwas at nagkampeon pa.

Kaya, kung tiyempuhan lang ang buwenas o busluhan ng Celtics, aba’y delikado na. Tingnan natin kung makakatabla sila sa 3-3. Dahil kung hindi, aba’t tapos na ang laban sa Biyernes.