April 23, 2024

BOSTON CELTICS, IPUPUWERSANG PAABUTIN ANG FINALS SA GAME 7

Maipupuwersa umano ng Boston Celtics ang series hanggang sa Game 7. Ito ang optimistikong pahayag ni ESPN broadcaster Kendrick Perkins. Ayon sa dating NBA player na naglaro rati sa Celtics, pipilitin umano ito ng mga players ng Boston.

Kaya, hindi pa aniya matatapos ang laban sa Game 6. Inihayag din ni Perkins ang kanyang pagpili sa dating team na magka-kampeon sa finals.

I pick the Celtics in 7,” saad nito sa Twitter. ‘I think this series is going seven games. Boston is gonna play with that fire,” dagdag nito.

Gayunman, hindi rin maiiwasan na medyo lamang sa series ang Golden State Warriors. Kahit matalo raw ito sa Game 6, babalik sa home court nila ang laro.