April 25, 2024

BONGBONG MARCOS, NAKATADHANA NA TALAGANG MAGING PANGULO

Bongbong Marcos at Sara Duterte, ala ‘e lang na lamang sa bilangan. Magtataka pa ba tayo? Ewan ko lang sa iba. Tapos na ang eleksyon, may nanalo na at may natalo. Ganyan ang kalakaran dito sa atin. Nalaman natin talaga ang pulso ng masamang Pilipino.

Na si BBM at Inday Sara talaga ang gusto nila. Tama ang lumabas na resulta sa ilang reliable surveys. Kita naman ang resulta di po ba? Aba’y pinakain ng Uniteam nina BBM at Sara Duterte ang kanilang mga kalaban. Habang sinusulat natin ito, nasa mahigit 30-milyon na ang boto ng dalawa. Mas malaki pa ang lamang nila kaysa sa boto ng kalaban nila.

As in, pinakain ng alikabok. At ang siste naman ng mga kalaban nila lalo na ang mga Kakampink, may dayaan daw na nangyari. Kesyo, may mga nagka-eberyang VCM, tapos, bakit ang bilis daw ng bilangan. Ewan sa mga ito, pag mabilis, kukuda.

Pag mabagal, may kuda pa rin. Pero, maliwanag ang mensahe ng taumbayan. Ayaw nila ng kandidatong nang-aapi at gusto nila yung mahinahon lang.

Sawa na sila sa mahigit 30-taong pagdurusa. Nais nilang iluklok ang isang taong sa palagay nila ay may malasakit sa bayan; at hindi sariling kapakanan ang iniisip. Lumabas na talaga ang boses ng taumbayan at pinatunayan nila iyan sa pigurang lumalabas ngayong bilangan.