April 24, 2024

BILANG NG GUMALING SA COVID-19 SA RIZAL, NADAGDAGAN

Umabot na sa 699 ang mga nakarekober sa nakamamatay na sakit na coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Ayon sa huling datos ng Provincial/City/ Municipal Health Offices, nadagdagan pa ng 19 ang gumaling habang 549 ang aktibong kaso.

Samantalang 110 na ang namatay sa COVID-19.

Umabot na sa 1,358 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng virus sa nasabing lalawigan.