April 25, 2024

Big 3 ng Lakers, nag-usap, reresbak next season

Nag-usap ang Big 3 ng Los Angeles Lakers sa telepono tungkol sa makeover ng team sa next season. Sila ay sina Lebron James, Anthony Davis at Russell Westbrook. Nagkasundo ang tatlo na aayusin ang sistema ng team.

Nitong nagdaang 2021-22 NBA season, nagtapos ang Lakers sa 11th seed sa West. Nakakagulat dahil umaasa ang mayorya na sasampa sila sa NBA finals. Pero, disaster ang nangyari.

Nangako rin ang tatlo na kakapain nila ang laro ng bawat isa. Sa gayun ay maging maganda sistema ng Lakers sa opensa at depensa ayon kay Chris Hanes ng Yahoo Sports. Aniya, hindi nagre-request ng trade si Westbrook. Pero, may lumalabas na balita sa ibang source na iti-trade siya.

May mga teams na interesadong makuha siya. Kabilang na rito ang New York Knicks. Pero, nagsalita si Lakers coach Darvin Ham na nais niyang manatili si Westbrook sa team.