April 24, 2024

BEBOT, INABUSO AT NI-RAPED NI ARGENTINIAN FOOTBALL ICON DIEGO MARADONA

Isang 37-anyos na babae ang nagpahayag na inabuso’t pinagbuhatan ng kamay ni late Argentinian soccer icon Diego Maradona. Ayon sa babaeng si Mavys Alvarez Rego, nagkaroon siya ng affair kay Maradona 20 years ago. Menor de edad pa lang aniya siya noon sa edad na 16. Samantalang nasa 40’s noon ang football star.

Si Maradona ay pumanaw sa edad na 60 dahil sa heart attack last year. Naging susi siya sa pagkopo ng Argentina sa 1986 World Cup.

Gayunman, inabuso siya nito, kabilang ang panggagahasa at paghawak sa kanyang magagawa. Na tila hawak siya sa leeg. Sa kanyang pahayag sa press sa Buenos Aires, nakilala niya si Maradona sa Cuba habang sumasailalim ito sa drug treatment.

“I was dazzled, he won me over… But after two months everything started to change,” ani Alvarez na naninirahan ngayon sa Miami. Pilit umano siyang pinagagamit ng cocaine. Gayundin ng pag-inom at sex. Pinilit din siyang isinailalim sa breast augmentation operation.

“I loved him but I hated him too, I even thought about suicide,”aniya.