April 17, 2024

BEACH VOLLEYBALL REPUBLIC, PAPALO SA STA. ANA CAGAYAN

Muling papalo ang Beach Volleyball Republic (BVR) matapos ang 2 taong pagkakatengga ng palaro. Nakatakdang ikasa ng BVR ang two-legs ng bubble set-up na magsisimula sa Biyernes.


Nasa 25 teams ang sasalang sa kabuuan.

Kung saan, 14 rito ay sa women at 11 sa men’s division. Ang unang leg ay gagawin sa Oct. 22-25 at ang second leg ay sa Oct. 28-31. Ang venue ng mga games ay idaraos sa Sta.Ana, Cagayan resort.


Kumpiyansa naman si BVR founder Charo Soriano na restart ng liga ay magtatagumpay. Kung saan, naging dahilan upang makamit ng bansa ang podium finish noong 30th SEA Games noong 2019.