April 20, 2024

BBM, TAMA LANG NA DI SUMIPOT SA ‘PRESIDENTIAL INTERVIEW’

Mga Cabalen, samu’t-sari ang naging reaksyon ng madla sa di pagsipot ni BBM sa interview. Ito yung Presidential Interview ni Jessica Soho. May pabor at di pumabor.


Ika nga ng iba, ‘bakit si nagpaunlak si Bongbong Marcos? Naduduwag daw ba siya? May itinatago na baka makalkal kaya no show’?


Sabi naman ng iba, ‘ bakit pa siya sisipot, e gigisahin lang din siya run!’. Ang itatanong sa kanya ay pang-upat lang. Paulit-ulit na parang sirang plaka. Masyadong gasgas na.’
‘ Nung in-interview siya ng isang host, negatibo sa iba. Nung hindi nagpa-interview, negative pa rin! Saan lulugar ang tao?” banat naman ng iba.


Wala tayong problema sa award winning host na si ate Jessica. Trabaho niya lang yun. Kung ano ang gusto ng nakatataas, yun ang gagawin niya. Pero, kung siya ang naglatag ng mga tanong na palabunutan, kukuwestyunin nga siya.
Sa nangyari, kahit wala si BBM sa payaman, ‘e umingay ang pangalan nito. Napag-usapan. Ang lagay kasi, alam niyang madedehado siya. May something sa Kapuso na hindi niya nagustuhan.


Kung pumayag siya, para siyang isang usa na inimbitahan sa piging ng mga leon. Igalang ang pasya ng tao. Karapatang niyang di sumipot. Hindi requirement ng isang tatakbong presidente ang sumalang sa isang interview para maging qualified siya. Wala iyon sa saligang batas.


Alam ng mga taga-suporta niya ang dahilan. Maliwanag na parang naging sarsuwela lang ang panayam. Igalang natin ang opinyon at pananaw ng mga botante.


Kung ayaw nila sa manok nyo, problema na ng iba yun. Huwag tawaging bobo! Kung plataporma at long term plan para sa ikaaangat ng bayan ang tema, baka pumayag pa si BBM. Pero, kung ungkatan lang ng putik na ibabato sa kanya, huwag na lang. Mag move-on na sana ang iba.