April 24, 2024

BATIKANG SPORTSWRITER ERNIE GONZALES, NA PUMANAW SA EDAD NA 78, ILILIBING BUKAS

Pumanaw na ang sportswriter na si Ernie Gonzales sa edad na 78-anyos. Isa si Manong Ernie sa best Filipino sportswriters na naprodyus ng bansa. Ihahatid siya sa huling hantungan bukas ng alas 2:00 ng hapon sa La Loma Columbaries.

Ang iniindang sakit ang naging sanhi ng kanyang pagpanaw.Naulila nito ang mga anak na si Dennis, Cheryl at Vernon. Gayundin ang kanyang in-laws at 4 na apo. Naging bahagi si Gonzales ng ‘sportwriting dream team’ noong dekada 70. Ito’y sa pagtututo ni late Tony Siddayao sa Daily Express.

Pagkatapos ay nagkaroon siya ng stint sa Manila Times. Kalauna’y naging sports editor ng defunct Manila Chronicle hanggang 1998. Ilan sa kinober ni Manong Ernie ang Olympics, Asian Games at SEA Games.

Naging desk editor din siya sa Inquirer at nagretiro noong taong 2009.