April 25, 2024

BAGONG JOJO BARBERSHOP, BINUKSAN SA QC

PINANGUNAHAN ni Agila ng Bayan Publisher Ramon Ignacio kasama sina 301-BI Lions Club Governor Librada Pingol at Lions Club District 301 -BI Administrator Robert “Jojo” Casaway, may-ari, ang pagbubukas ng bagong Jojo Barbershop and Wellness Spa na matatagpuan sa Stall no. 9, 2nd Floor, No.1389 Quezon Ave.,  Brgy. West Triangle, Quezon City. 

PINASINAYAAN kahapon ng umaga ang bagong Jojo Barbershop na matatagpuan sa Stall no. 9, 2nd Floor, No.1389 Quezon Ave.,  Brgy. West Triangle, Quezon City.  Bilang bisitang pandangal at nagputol ng laso ay si Agila ng Bayan Publisher Ramon Ignacio.

Ang Jojo barbershop ay pag-aari ni Lions Club District 301 -BI Administrator Robert “Jojo” Casaway at ng asawa nito na si Mrs. Wilma Casaway.

Kabilang sa mga dumalo at nagbigay ng kulay sa seremonya ay ang 301-BI  Lions Club Governor Librada Pingol.

Ang selebrasyon para sa pasinaya ay pinamunuan ni Fr. Ricci Estrada.

Nagsimula ang Jojo Barber shop may apat na taon na ang nakakaraan. Ito ay dating matatagpuan sa isa sa kilalang landmark sa Quezon City ang Delta Theater.

Matapos ang apat na taon kinailangang lumipat na ang Jojo Barber shop at iba pang establisimiyento rito dahil na rin sa kalumaan ng Delta Theater at kautusan ng lokal na pamahalaan ng lungsod.

Para sa mga parokyano ng Jojo ng apat na taon, kahit pa lumipat na ng bagong lugar ang barber shop ay susundan nila ito. Anila, ang personal touch ng mga barbero at magandang pakikisama ng mga empleyado rito ay totoo namang babalik-balikan.

Maliban pa rito anila ang tunay na pakikisama at magandang serbisyo na ibinibigay sa kanilang mga parokyano.