April 20, 2024

ATLANTA HAWKS, DINAGIT ANG MILWAUKEE BUCKS SA GAME 1 NG ECF, 116-113

Nanggulat ang Atlanta Hawks sa pagsisimula ng NBA Eastern Conference Finals. Dinagit ng Hawks ang Milwaukee Bucks sa iskor na 116-113.

Dumagit si Trae Young ng 48 points, 7 boards at 11 assists para sa Hawks. Nag-ambag naman si John Collins ng 23 points at 15 boards. Habang si Clint Capela naman ay bumira ng 12 points, 19 boards at 2 blocks.

Sa panig naman ng Bucks, kumana si Giannis Antetokounmpo ng 34 points, 12 boards at 9 assists. Habang si Jrue Holiday naman ay bumuslo ng 33 points, 10 assists at 5 boards.

Kapwa di nagpaiwan ang isa’t-isa sa simula pa lang ng laro. Palitan ng lamang. Ngunit, malaki ang nagawa ng matikas na tres, opensa at depensa ng Hawks.

Kung kaya, nakaligtas nakasilat sila sa bandang huli. Naging daan din ang free throws ni Young upang iselyo ang panalo.