April 19, 2024

ARWIND SANTOS, LUMAGDA NG PANIBAGONG KONTRATA SA BATANG PIER

Mananatili si Arwind Santos sa roster ng NorthPort Batang Pier. Ito’y matapos pumayag sa one-year deal contract extension. Malaki ang naging ambag ng binasagang ‘The Amazing Spiderman’ sa team sa nakalipas na PBA Governor’s Cup.

Sa pagpirma ng former MVP ng kontrata,kasama nito ang agent na si Danny Espiritu. Kung saan, saksi si NortPort team manager Bonnie Tan. Gayundin si assistant team manager Waiyip Chong.

Nasa 40’s na si Santos na dating produkto ng Far Eastern University. Sasapit na siya sa gulang na 41 sa June. Nakuha ng Batang Pier ang serbisyo nito sa isang trade. Naging kapalit nito si Vic Manuel na napunta sa San Miguel Beermen. Naglaro ng 12 season sa Beermen si Santos at nakakopo ng ilang championships sa team.