April 16, 2024

ANTHONY DAVIS, BUMIDA SA PAGLUNOD NG LAKERS SA SPURS, BUCKS, DINAGIT NG HAWKS

Bumira si Anthony Davis ng 34 points sa paglunod ng Los Angeles Lakers sa San Antonio Spurs, 114-106. Gumawa rin siya ng 15 boards, 6 assists at 2 steals. Nag-ambag naman si Russell Wesbrook ng 14 points, 11 boards at 7 assists.


Samantala, dinagit naman ng Atlanta Hawks ang Milwaukee Bucks, 120-100. Bumida si Trae Young sa Hawks sa pagkana ng 42 points. Kasama na rito ang 10 assists at 8 rebounds. Tumulong naman si Clint Capella sa pag-ambag ng 12 points, 13 boards at 2 steals.


Sa panig naman ng Bucks, gumawa si Giannis Antetokounmpo ng 26 points at 5 boards. Si Jrue Holiday naman ay naglista ng 19 points at 8 assists.