April 25, 2024

ANDREA TORRES, ‘DI PRIORITY ANG LOVELIFE SA NGAYON

Turned 31 years old na si Andrea Torres. Kaya kung ang tungkol sa kanyang lovelife ang pag-uusapan ay mukhang hindi niya ito prioritize sa ngayon.

Hindi nga akalain ni Andrea na mauuwi sa hiwalay ang kaso nila ni Derek Ramsay. Pero maaga naman siyang naka-moved on.

Nagpokus si Andrea ngayon sa kanyang showbiz career, kaya naman lalo siyang gumanda. Sa sitwasyon niyaopen naman ang kanyang heart kung may lalaking gustong manligaw sa kanya.

Pero aware na siya, dahil ayaw na niyang maulit ang nangyari sa kanya dati buhay pag-ibig. Plano niya na at the age of 35 years old ay lumagay na siya sa buhay may asawa. Pero ayon sa kanya gusto niyang planado ang lahat.

Maingat na rin siya ngayon sa pakikipag-relasyon, hindi naman siya nadala pero this time daw ay sigurado nang magtatagumpay siya sa kanyang buhay pag-ibig.