April 25, 2024

ANALYN BARRO, MALAKAS ANG KARISMA SA MGA KENGKOY NA BARAKO

Ibang klase rin ang appeal ni Analyn Barro ng Bubble Gang. Isa siya sa inaabangan ng mga boys sa naturang gag show. Ang lakas kasi ng sex appeal niya lalo na sa segment na ” What’s the Meaning of This”.


Nakakahumaling daw ang beauty at kaseksihan nito. Kaya, kwela sa mga boys ang dating niya. Kapag kasi si Analyn na ang nakasalang, buhay ang diwa ng mga kalalakihan.


Ibang kalibre raw ang karisma nito. Bukod sa maganda’t seksi na, nakakatawa pa. Kaya, di nakapagtatakang malakas ang dating niya sa mga kengkoy na barako.