March 28, 2024

Amanda Nunes, nilikida si Julianna Pena sa UFC 277

Nilikida ni Amanda Nunes si Julianna Pena via unanimous decision matapos ang 5-round battle sa American Airlines Center sa Dallas. Nagulat ang 19,442 crowd sa thrilling bout ng dalawang female fighters. Dahil sa panalo, nahablot muli ni Nunes ang bantamweight title belt.

Nagwakas noon ang 5-year reign ni Nunes sa bantamweight nang matalo kay Pena noong Dec. 2021. Subalit, muli itong nabawi ng Brazilian fighter. Nakatakas siya mula sa striking masterclass at ilang submission attempts mula kay Pena.

Lumalaban gamit ang southpaw stance, napatumba ng 34-anyos na si Nunes si Pena. Dalawang beses niya itong nagawa sa second round gamit ang kanan at kaliwa. Hindi na rin nito pinaporma ang kalaban sa ground stance, dahilan upang lumamang sa puntos.