April 19, 2024

ALYSSA VALDEZ, NAGPASALAMAT SA NAGPAABOT NG WELL-WISHES MATAPOS TAMAAN NG COVID-19

Nagpasalamat si volleyball superstar Alyssa Valdez sa mga nagpaabot ng concerned sa kanya. Ito’y matapos tamaan ng COVID-19 si ‘The Phenom’ nang lumabas ng PBB house. Kabilang si Valdez sa Top 2 ng season 10 Kumu Celebrity Edition.


Nang malakabas ng bahay, nakitaan ng sintomas si Alyssa. At nang sumalang ito sa RT-PCR test, nagpositive siya sa virus. Ikinalungkot ng volleyball community lalo na ng mga fans ng Creamline Cool Smashers ang sinapit ng volleybelle.


Bumuhos naman ang well-wishers kay Alyssa sa social media. Kaya labis siyang nagpasalamat sa ipinaabot na suporta. Sa ngayon ay nasa bahay si Alyssa at nagpapagaling na sa virus.


We’d like to thank those who have sent their well-wishes and prayers her way. Please be rest assured that Alyssa is taking the necessary precautioins and will be recovering from home,’ pahayag ng V Management Group na may hawak kay Valdez.