April 25, 2024

ALYSSA VALDEZ, FAVORITE BASKETBALL PLAYER SI ‘THE KING’

Inihayag ni volleybelle Alyssa Valdez kung sino ang paborito niyang basketball player. Hindi ang kanyang BF na si Kiefer Ravena iyon. Excempted sa pagpipilian si Kiefer dahil sweetie pie nya yun.


Ayon kay ‘The Phenom’, si LeBron James ng Los Angeles Lakers ang paborito niya. Ani Alyssa sa panayam ng ‘One Sports’, hanga siya sa pag-aalaga ni James sa katawan nito. Gayundin ng aspektong mental at pisikal at kung papano nito ini-handle ang buhay off-the-court.


Iyon daw ang hinahangaan niya sa tinaguriang ‘The King’ ng NBA.


“Meron siyang sariling team para ma-maintain niya yung performance niya; and hindi siya mawala sa top game niya,” ani ng Creamline Cool Smashers outside hitter.


“The way he handles all the things outside basketball, all the people na may nasasabi sa kanya, ang galing din niya talaga,” dagdag pa nito.