March 29, 2024

ALJUR ABRENICA, SINABING SI KYLIE ANG RASON NG KANILANG PAGHIHIWALAY

Nagbulalas na ang aktor na si Aljur Abrenica tungkol sa controversial na hiwalayan nila ni Kylie Padilla. Aniya, sabihin daw nito ang totoong rason ng kanilang paghihiwalay.


Ayon pa sa aktor, si Kylie raw ang sumira sa kanilang relatioship at ito raw ang unang nagloko.
“Kylie please tell them the truth,” sabi nito.


“Don’t hide and disguise your comments, statement for your self gain.Tell them who cheated first. Tell them who wrecked our family.”


“Tell them why I gave up on you not on our family. The people deserves to know.”
Inamin ng aktor na naapektuhan siya sa banat ng netizens. Partikular ang hate messages sa social media. Pero, wala siyang hinanakit sa kanila. Basta, be fair lang daw at alamin ang kanyang side. Sa gayun ay maliwanagan sila.


Sa ngayon ay may bago nang love si Aljur sa katauhan ni AJ Raval. SI AJ ay anak ng actions star na si Jeric at ni Alyssa Raval.