April 18, 2024

ALEX EALA, UMUSAD SA QF NG W60 MADRID TILT

Umusad si Alex Eala sa quarterfinals ng W60 Madrid sa Club Deportivo Brezo Osuna sa Spain. Tinalo ng 17-anyos na Pinay tennis star si Lia Karatancheva ng Bulgaria.

Humataw sa opening ng singles first round si Eala, 6-4, 6-4.Kapwa table ang dalawa sa 2-2 sa first set. Subalit, nakapagtala ng forehand error ang Bulgarian netter.

Dito na rumatsada ng 2-0 run si ang Pinat at naitala ang 4-2 advantage.Naitarak din nito ang 2 sa dalawa niyang break points. Kaya naman, naitala niya ang panalo sa kabuuang 12 games.

Ang panalong ito ay kagaya rin ng naitala ni Alex sa W25 nitong nagdaang araw. Kung saan, nagwagi rin siya sa unang laro.