March 28, 2024

AKUSASYONG SEXUAL ASSAULT, ITINANGGI NI WWE STAR MATT RIDDLE

Pinasinungalingan ni WWE star Matt Riddle, 34-anyos, ang akusasyong sexual assault laban sa kanya. Gayunman, inamin niya na nagtataksil siya sa kanyang asawang si Lisa. Ang nakagugulat, ang mismong nag-aakusa ang kanyang kabit.

Ayon sa abogado ng dating NXT at ngayo’y Smackdown wrestler, nalaman ni Riddle ang akusasyon laban sa kanya noong nakaraang buwan. Ayon sa abogado ng wrestler, pinipwerwisyo ng babaeng si Candy Cartwright ang kanyang kliyente; buhat nang hindi na nakikipagtalastasan si Riddle rito.

Binura kasi ni Riddle ang phone number ni Cartwright at naka-blocked rin ang bebot sa social media ng una.

Ayon naman kay Cartwright, nangyari aniya ang harassment na ginawa sa kanya ni Riddle noong 2018; noong silang dalawa  ay sakay ng van, kasama ang ilang kaibigan nito na natutulog habang sila’y bumibiyahe.

Aniya, niyaya siya ni Riddle na makipagtalik. Subalit, nang tanggihan niya ito, pinagbantaan na siya ng wrestler. Gayunman, itinanggi ni Riddle na ginawan niya ng dahas ang babae.

Kaugnay dito, nag-upload ng video sa social media si Riddle upang ipahayag ang kanyang panig.

“I never sexually assaulted you,” pahayag ni Riddle patungkol kay Cartwright.

The story about that band trip, the driver being asleep, and me forcing you to do stuff, ‘hop on’ or whatever…”

“It’s a complete lie… It’s a fabricated story because you’re still mad.You know why you’re mad? Because yes, you’re right, we had an affair. You have plenty of evidence of that…and you know what? I never denied it – because it happened,” ani Riddle.

Gayunman, inamin ni Riddle na nagkaroon sila ng affair ng babae at hindi aniya siya naging masaya sa kanilang naging relasyon.