April 19, 2024

AKTOR NA SI ALEC BALDWIN, AKSIDENTENG NABARIL ANG CINEMATOGRAPHER, PATAY

Aksidenteng napatay ng aktor na si Alec Baldwin ang cinematographer sa isang shoot ng pelikulang ‘Rust’. Ayon sa ulat, nabaril ng di sinasadya ng aktor si Halyna Hutchins habang sini-shoot ang pelikula.


Ayon sa report, na diskarga ng aktor ang props na baril. Sa di ianaasahan ay pumutok ito at natamaan si Hutchins. Nasugatan naman ang director na si Joel Souza.


Dinala naman sa New Mexico Mexico Ospital ang 42-anyos na cinematographer. Kung saan ay isinakay pa ito sa helikopter. Pero, sa kasawiang palad, pumanaw ito. Nagpapagaling naman ang direktor sa ngayon.


Sa ngayon ay wala pang pahayag ang aktor sa nasabing insidente. Hindi pa malinaw kung sino ang mananagot sa nangyari.