April 25, 2024

5 PELIKULA NG “KATHNIEL” GAGAWAN NG BOLLYWOOD REMAKE

Sikat pala sa bansang India ang “KathNiel” couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Katunayan, gagawan ng remake bilang Bollywood movie ang 5 nilang pelikula.


Ang mga movies na ito ay mega-blockbusters na ginawa ng real-life couple. Ito ay ang ‘The Hows of Us’, She’s Dating a Gangster’, Crazy Beautiful You’, ‘Barcelona’ at ‘Can’t Help Falling Inlove’.


Gagampanan ang movie adaptation ng sikat at mahuhusay na Bollywood actors. Ang Bollywood ang isa sa pinakamalaking market ng industriya sa mundo.


“Isang napakagandang oportunidad ito para sa ABS-CBN Films na mabahagi ang mga ‘di malilimutang kwento natin at maghatid ng inspirasyon sa global audiences,” sabi ni ABS-CBN Films managing director Olivia Lamasan.

“Maraming pagkakatulad ang Pilipinas at India, gaya ng pagpapahalaga natin sa pamilya na talaga namang ramdam sa ating mga pelikula at ngayon ay maaari na ring umabot sa mga Indian,” dagdag nito.