April 19, 2024

32nd gold ng Team PH sa 32nd Southeast Asian Games sungkit ni Bautista sa boxing

BUMIRA ng kumbinsidong panalo para sa Pilipinas si Ian Clark Bautista para sa  gold medal ng  Boxing Men’s 57kg class ng  32nd Southeast Asian Games Cambodia 2023 sa Phnom Penh.

Dinomina ni  Bautista si  Asri Udin ng  Indonesia sa kanyang mga jabs, hooks at body shots para sa one sided victory at nakuha ang unanimous na panalo mula judges’ scorecards .

Ang Negros Occidental pride na si Bautista,bronze medalist noong 2019 SEAGames Manila ay itinuring nang isa sa mga talentadong boksingerong Pinoy at lalo pang ponagtibay ang kanyang kredensyal sa larangan na kanya namang pinatunayan sa kanyang gold medal match kontra Indon pug sa idinaraos na 2023 SEAGames sa Cambodia.

“Bautista showed his grit and determination against Indon, battling his way to victory over three rounds of intense boxing. He landed powerful jabs and hooks that rattled his opponent and earned him the judges’ favor.” wika ni Association of Boxing Alliances in the Philippines( ABAP) Jan Marcus Manalo.