April 20, 2024

2 drug pushers arestado sa Valenzuela buy bust

HIMAS-REHAS ang dalawang hinihinalang tulak ng illegal na droga matapos masakote sa isinagawang buy bust operation sa Valenzuela City.

Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr ang naarestong mga suspek na sina Vic Santos, 43, at Jacquelyn Rey Lopez, 36, kapwa residente ng Bulacan.

Ayon kay Col. Destura, dakong alas-6:05 ng umaga nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Cpt Joel Madregaljo ng buy bust operation sa kahabaan ng Mc Arthur Highway, harap ng Woodlands, Brgy., Malanday matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa illegal drug activities ng mga suspek.

Isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon sa mga suspek ng P5,500 halaga ng droga at nang tanggapin ng mga ito ang marked money mula sa pulis poseur-buyer ay agad silang dinakip ng mga operatiba.

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 10 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P68,000.00, buy bust money na isang P500 bill at 5-pirasong P1,000 boodle money, P200 recovered money, sling bag, cellphone at isang motorcycle Gray Yamaha Nmax.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Danngerous Drug Act of 2002.