April 19, 2024

1,100 WHEELCHAIR PARA SA MGA PWD HANDOG NG PITMASTER

NAKAPAGPAGBIGAY ang Pitmaster Foundation Inc. ng 1,100 wheelchair para sa mga kababayan nating may kapansanan o person with disability  (PWDs) sa buong bansa sa loob ng tatlong buwan.

Layunin ng programa na matulungan at mapagaan ang buhay ng mga PWD.



Ayon sa Pitmaster, na sa ganitong paraan ay maipaparamdam sa kanila na buhay pa rin ang diwa ng pagtutulungan at pakikipagkapwa-tao.


Halos maluha ang mga nakatanggap ng tulong sa pagpapaabot ng kanilang taus-pusong pasasalamat sa Pitmaster.